inah-de-belen-3-copy-copy

AGAD naging teary-eyed ang bagong Kapuso star na si Inah de Belen nang ipakita ang video na may advice sa kanya ang inang si Janice de Belen, sa grand presscon ng Oh, My Mama, ang first drama series niya sa GMA 7 na adaptation from Maricel Soriano’s movie.

Idol at inspirasyon niya ang kanyang ina sa pagiging mahusay na actress., at nangako siya na hindi niya ito bibiguin kaya pagbubutihin niya ang kanyang trabaho para ipagmalaki siya nito.

Handa na ba siyang maikumpara, at ma-bash, ang kanyang pag-arte sa kanyang ina at sa amang si John Estrada?

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Sinasanay ko na po ang sarili ko na ma-bash pero ginagawa ko iyong motivation para pagbutihin ko ang work ko,” sagot ng 22 year-old actress na hindi rin nagkailang nagkaroon na siya ng non-showbiz boyfriend, pero loveless siya ngayon.

Sa full trailer pa lamang ng Oh, My Mama, lutang na lutang na ang kahusayan sa pag-arte ni Inah, kaya nagpapasalamat siya sa advices ng mommy at daddy niya at sa pag-alalay sa kanya ni Direk Neal del Rosario.

Ipinaliwanag din niya ang pagpapalit niya ng surname from Estrada to De Belen, dahil ang dami na raw ng Estrada sa showbiz at minsan na nga siyang natanong kung anak siya ni former President and now Manila Mayor Joseph Estrada.

“Pinag-usapan po naman namin ng Daddy ko at naintindihan naman niya ang reason ng GMA Network na magpalit ako ng surname, I will always be an Estrada naman.”

Samantala, mabilis na nakasundo ni Inah ang dalawang leading men niyang sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.

“Simula pa po lamang sa story conference namin na una kaming nagkasama-sama ay nagkaroon na kami ng camaraderie sa set,” kuwento ni Inah. “Nagtutulungan kaming tatlo, pantay-pantay ang pakikitungo ko sa kanilang dalawa. Wala kaming ilangan kapag sama-sama kami sa eksena.”

Mapapanood na simula sa Monday, September 19 ang Oh, My Mama sa afternoon prime ng GMA-7 pagkatapos ng Eat Bulaga.