LA PAZ, Tarlac - Natangayan ng malaking halaga at mga alahas ang isang mag-asawang negosyante matapos silang holdapin ng riding-in-tandem sa gate ng kanilang bahay sa Sitio Mait, Barangay San Roque, La Paz, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PO1 Robin Vega, natangay sa mag-asawang Erlinda at Catalino Cansio, kapwa 63 anyos, ang mahigit P40,000 cash money, at isang gintong kuwintas na nagkakahalga ng P50,000.

Napag-alaman na nangyari ang panghoholdap dakong 6:30 ng gabi. Galing ang mag-asawa sa kanilang tindahan at papasok na sa gate ng kanilang bahay nang lapitan sila ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at nagdeklara ng holdap. (Leandro Alborote)
Probinsya

Dalupiri Island sa Cagayan, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol