DAHIL madalas tayong bayuhin ng malalakas na bagyo, kailangang magkaroon ng isang pambansang ahensya na nakatalaga sa mabisang pangangasiwa ng mga kalamidad. Ang House Bill 1648, na naihain na sa Kongreso ni Albay Representative Joey Salceda ay akmang tugon dito. At marapat lamang na sinusuportahan ito ng mga practitioner at advocate ng disaster risk reduction (DRR) ang naturang panukalang batas.

Ang HB 1648 ay pinamagatang “An Act Further Strengthening the Philippines Disaster Reduction and Management System by Institutionalizing the Framework and Plan and Establishing the National Disaster Risk Reduction and Management Authority (NDRRMA), an independent body under the Office of the President dedicated to pre-disaster risk reduction and post-disaster reconstruction.”

Layunin nito ang amiyendahan ang 2010 Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (RA10121). Inilalarawan ni Salceda ang kanyang panukalang batas na resulta ng “action research, sharing of experiences and dynamic discussions among various stakeholders” at “product of comparable international experiences.”

Sa panukalang NDRRMA, pakikilusin at makikipag-ugnay ito sa lahat ng sektor pati na ang risk transfer at insurance players, at pangangasiwaan ang mas malawak na “governance arrangements and oversee DRRM efforts towards sustainable development goals.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kabilang sa mga sumusuporta sa HB 1648 ang Disaster Risk Reduction Network Philippines (DRRNetPhils) at ang mga community-based disaster risk reduction and management (CBDRRM) advocates na kasama ang Centre for Disaster Preparedness, PRRM, Coastal Core, ACCRD, Damayan ng Maralitang Pilipinong Api, UP College of Social Work, Oxfam, Plan International, World Vision, atbp.

Sinabi ni DRR NetPhils Lead Convenor Maria Felizar-Cagay na ang kanilang suporta para sa HB 1648 ay bahagi ng adbokasiya ng CBDRRM sa pagtatatag ng higit na matibay at masiglang mga pamayanan.

Tumutugma naman ang panukalang batas ni Salceda sa Senate Resolution 10 ni Sen. Panfilo Lacson na nananawagan sa Congressional Oversight Committee na magsagawa ng isang “sunset review” ng RA 10121. Ayon sa kanya, inilantad ng Bagyong Yolanda ang kahinaan at “disconnect between the provisions of RA10121 and the realities and dynamics on the ground.”

Si Lacson ay dating Presidential Assistant para sa rehabilitasyon matapos manalasa ang bagyong Yolanda. Si dating Albay Gov. Salceda naman ang unang Asiano at Pilipinong naging co-chairman ng UN Green Climate Fund Board kung saan siya ang kinatawan ang Southeast Asia at mga umuunlad na bansa.

Tuluy-tuloy na ang pag-usad ng bansa tungo sa pederalismo. Kagagaling ko lamang mula Kalibo, Aklan kung saan dumalo ako sa isang Federalism forum na ang resource speaker ang tanyag na si Atty. Raul Lambino. Katanggap-tanggap ang pederalismo sa mga kababayan nating nauunawaan ang konsepto, mga pamamaraan at ang mga istruktura nito.

Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, tila patungo na tayo sa French presidential-parliamentary model na hindi masyadong malayo sa ating kasalukuyang presidential system. Ang dalawa pang pinakapopular na modelo ng pederalismo ay ang US presidential-federal at ang British parliamentary-federal system. (Johnny Dayang)