MAS may posibilidad nga bang makaranas ng disturbed sleep ang kababaihan kaysa kalalakihan? Bakit kaya? Iminumungkahi ng bagong pag-aaral na inilathala sa PNAS na may kaugnayan ang pagiging babae o lalaki kung gaano makatutulog ng mahimbing

Magkaiba ang sleep cycle ng babae at ng lalaki.

Doble ang pagiging karaniwan ng insomnia sa kababaihan kumpara sa kalalakihan. Naitala ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na isa sa bawat apat na Amerikano ang may paminsan-minsang kakulangan sa pagtulog, at 10 porsiyento ng populasyon ay nakararanas ng chronic insomnia.

Nahihirapang matulog sa gabi ang taong may insomnia. Makatulog man sila, madalas pa ring nagigising at nahihirapan na muling makagawa ng tulog. Maaari rin silang magising ng sobrang aga at makaramdam na tila hindi talaga sila nakatulog.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maiuugnay ang kakulangan sa pagtulog sa iba’t ibang health issue, kabilang ang diabetes, sakit sa puso, obesity, depression, at iba pang mental problem. Responsable rin ito sa mg aksidenteng naganap sa mga daanan at trabaho.

Kinokonsidera ng CDC ang pagtulog bilang “vital sign of good health.”

Magkaiba nga ba ang sleep patterns ng kababaihan?

Napag-alaman ng isang grupo na pinapangunahan ni Dr. Diane B. Boivin, ng Department of Psychiatry ng McGill University at ang Douglas Mental Health University Institute ng Montreal, Canada, sa mga nakaraang pag-aaral na ang menstrual cycle ng kababaihan ay nakakaapekto sa natural rhythm ng temperatura ng katawan at pagtulog.

Ngayon, nais nilang ikumpara kung paano nakakaapekto ang body clock sa pagtulog at pagiging alisto ng kalalakihan at kababaihan.

Tiningnan ng mga researcher ang sleep at alertness patterns ng 15 kalalakihan at 11 kababaihan.

Pinag-aralan ng mga awtor ang kababaihan sa dalawang phase ng menstrual cycle, at itinala nila ang potensiyal na epekto ng cycle at ibang pang gamit na hormonal contraceptive.

Nakatuon ang pag-aaral sa ultradian sleep-wake cycle (USW). Ang ultradian rhythm cycle ay sleep cycle na nagtatagal ng hindi lalagpas sa 24 oras. Samantala, ang Circadian rhythms ay nagtatagal ng 24 oras. Nakakaapekto ang ultradian rhythms sa heartbeat, temperatura ng katawan, paghinga, at sleep patterns.

Iminumungkahi ng resulta na ang kababaihan ay handa sa pagtulog sa later stage ng kanilang rhythm kumpara sa kalalakihan. Ito, ayon sa mga awtor, ay maaaring rason kung bakit mas nakararanas ng sleep disturbance ang kababaihan.

Ipinaliwanag ni Dr. Boivin na bagamat hindi nakararanas ng anumang problema sa pagtulog ang mga kalahok, ipinakita naman ng resulta ang dahilan kung bakit nagigising ng mas maaga ang kakabaihan sa umaga kumpara sa kalalakihan, at kung bakit mas inaantok sila tuwing umaga.

“For a similar sleep schedule, we find that women’s body clock causes them to fall asleep and wake up earlier than men. The reason is simple: Their body clock is shifted to a more easterly time zone. This observed difference between the sexes is essential for understanding why women are more prone to disturbed sleep than men,” ani Dr. Boivin.

(Medical News Today)