aljur-bilang-hermano-puli-copy-copy

MALUPIT ang mga rebyu sa acting ni Aljur Abrenica lalo na nang magbida siya sa remake ng GMA-7 sa Machete.

Pinakamalupit ang pagtawag sa kanya ng “wooden actor” ng isang mahusay na kritiko na kumapit nang husto sa image niya.

Limang taon na ang nakararaan simula noon pero last Tuesday lang nag-open up tungkol dito si Aljur, sa grand presscon ng Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli, ang latest movie niya na idinirihe ni Gil Portes.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Yes, it was really hard for me. Umabot pa ako sa different stages ng pagkalungkot, eh,” nakakabilib na pag-amin ni Aljur nang tanungin siya tungkol sa madalas na paglait sa acting niya.

Dinibdib ni Aljur ang mga pang-ookray sa kanya. Pero hindi siya sumuko. Sa halip ay sinuri at kinapa niya sa sarili kung ano ang kulang sa kanya.

“Sinadya ko talagang magkaroon ng oras para sa sarili ko. I analyzed and I traveled para makapag-isip and then, na-realize ko na, well, kaya nila nasasabi ‘yun.

“Kasi before, I didn’t understand why. I’m doing my best… When I influenced myself with films and other cultures, kulang pa ang kaalaman ko.

“That’s why I studied, nag-aral ako. ‘Tapos nanood ako ng history ng film, who’s the father ng acting, ‘yong evolution ng acting… sa industry.”

Ni-research ni Aljur kung sino ang pinakamahuhusay na aktor, binasa ang biography ng mga ito, at itinuring na personal hero si Marlon Brando.

“Na-surprise ako kasi ‘yong buhay nila is very similar, mga greatest actors. So I put them as an inspiration, ‘tapos from then on, nag-venture na ako sa sarili ko, from my life.”

Kaya kaabang-abang ang Hermano Puli, na sa September 21 na ang playdate, dahil dito niya iniaplay ang mga natutuhan niya simula nang mag-self study siya.

“When this film came, na sakto nga, eh, sakto itong pelikulang ito, ginawa ko na ‘yong mga kailangan kong puwedeng gawin para mapaganda ‘yong pelikula. As an actor, I did my best.

“More than that, ang talagang habol namin is makilala siya (Hermano Puli) and mabigyan ng recognition. From all the films na ginawa ko, sa lahat ng projects na ginawa ko, I’m always giving my best. Kahit dati pa na kini-criticize tayo. It’s just that, at that time, hindi lang aware pa sa industry.

“And I’m very thankful sa mga taong nakapaligid sa akin na nagga-guide sa akin -- mga TV director, mga kaibigan ko, lalung-lalo na no’ng makapasok ako sa mundo ng indie film.

“’Yung compassion nila sa kapwa artist. I really saw ‘yong totoong mundo ng mga artist no’ng nakapag-independent film ako, kasama ito (Hermano Puli).” (DINDO M. BALARES)