ANG pag-inom ng alak, kahit sa katamtamang dami, ay maaaring makapagpalaki ng sukat ng left atrium ng puso, ayon sa bagong pag-aaral.

Isa sa dalawang upper chamber ng puso ang left atrium, kasama ang right atrium. Kapag lumaki ito, maaaring makapagdebelop ang tao ng uri ng irregular heartbeat na atrial fibrillation, na maaaring magdulot ng iba pang problema, kabilang ang stroke.

“Despite the widely held belief by the public that alcohol has a beneficial effect on general heart health, acute alcohol consumption has long been linked to the development of [atrial fibrillation]”, sabi ng researchers, na pinapangunahan ni Dr. David McManus, director ng Atrial Fibrillation Treatment Program sa UMass Memorial Health Care sa Massachusetts, na nakasaad sa kanilang report. 

Kaya, iminungkahi ng mga nakaraang pag-aaral na ang alak ay maiuugnay sa atrial fibrillation. Gayunman, hindi pa rin maliwanag ang eksaktong kaugnayan ng dalawa, ayon sa bagong pag-aaral na inilabas noong Miyerkules sa Journal of the American Heart Association.

National

Sen. Risa, handa maging senator-judge sa impeachment vs PBBM

Para sa imbestigasyon, naghanap ng datos ang mga researcher mula sa 5,200 katao na nakapagtala sa Framingham Heart Study o mga anak ng mga ito sa Framingham Heart Study. Ang Framingham Heart Study ay malaki, at ongoing study na nagsimula noong 1948, na layong sumuri sa heart disease risk factor. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nakatira o dating nakatira sa Framingham, Massachusetts.

Ibinahagi ng mga kalahok sa pag-aaral kung gaano karami ang naiinom nilang alak, sa karaniwan, at kada linggo. Lahat ng kalahok ay sumailalim sa imaging test para suriin ang sukat ng kanilang puso, at sinuri para sa atrial fibrillation, ayon sa pag-aaral.

Sa simula ng pag-aaral, ang mga kalahok ay karaniwang nasa edad 56. Ang karaniwang follow-up period ay halos anim na taon, ayon sa mga researcher.

Sa buong takbo ng pag-aaral, natuklasan ng mga researcher na ang bawat karagdagang 10 grams na alkohol na nakokonsumo araw-araw ay maiuugnay sa 0.16 millimeter na paglaki ng left atrium.

Iminumungkahi ng resulta na ang paglaki ng left atrium ay maiuugnay sa alkohol.

Ipinakita rin ng iba pang pag-aaral na ang regular na pag-inom ng dalawa o mahigit pang shot araw-araw ay maiuugnay sa 30 porsiyentong panganib ng atrial fibrillation, ulat pa ng mga researcher.

Itinataas ng atrial fibrillation ang panganib na makaranas ng stroke ang tao, dahil hinahayaan nitong dumaloy ang maraming dugo sa puso. Maaaring mabuo ang clot sa pooled blot, at maaaring magtungo sa utak na posibleng maging dahilan ng stroke.

Bilang karagdagan, sa meta-analysis na isinagawa kamakailan ay natagpuan na ang atrial fibrillation ay maiuugnay sa maraming kondisyon sa buong katawan, kabilang ang heart failure at sakit sa kidney. (LiveSciene)