BATANGAS - Apat na lalaki na pawang nasa drug watchlist ng pulisya ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa magkakahiwalay na lugar sa Batangas.

Setyembre 14 nang iniulat ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang pamamaril kay Randy Gonzales, 42, jeepney driver, ng Barangay Pinagsibaan, Rosario, Batangas.

Dakong 6:15 ng gabi nang pagbabarilin si Gonzales ng suspek na nagpanggap na pasahero niya sa Bgy. Putingkahoy, Rosario.

Sapol ng bala sa ulo si Gonzales, na nauna nang sumuko sa pulisya dahil sa pagkakasangkot sa droga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Miyerkules ng gabi rin pinagbabaril at napatay si Ronald Lumanglas, 35, habang nagmomotorsiklo sa Bgy. Sta. Clara, Batangas City.

Kapwa nasawi rin sa pamamaril nitong Setyembre 9 ang dalawang umano’y nasa drug watchlist na sina Ronald Castillo, 37, ng Bgy. San Antonio, Sto. Tomas; at Ramil Valenzuela, 32, ng Bgy. Sta. Clara, Batangas City. (Lyka Manalo)