SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Blangko pa rin ang pulisya sa pagdukot ng hindi pa kilalang suspek sa isang 13-anyos na babaeng estudyante sa Tobias Street, Barangay Poblacion West sa siyudad na ito, nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, isang flash alarm ang ikinasa para sa lahat ng police units upang matukoy ang kinaroroonan ni Yssa Sultan, estudyante ng Muñoz National High School, at residente ng Bgy.Poblacion sa lungsod na ito.

Sinabi ni Cornel na pauwi na ang dalagita, dakong 11:30 ng umaga, nang kidnapin ito ng mga hindi nakilalang suspek at isinakay sa puting van na hindi naplakahan.

Para sa anumang impormasyon tungkol sa pagdukot o sa kinaroroonan ng dalagitan ay dapat na i-report sa alinmang himpilan ng pulisya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar