Pinaplano ngayon ng Department of Education (DepEd) na higit na tutukan ang “mental health needs” ng mga guro at estudyante, kasunod ng pananaksak at pagpatay ng isang 15-anyos na lalaking estudyante sa kanyang guro, na umano’y madalas na mamahiya sa kanya, sa isang pampublikong high school sa Cagayan De Oro City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na labis niyang ikinalulungkot ang pagpatay kay Vilma Cabactulan ng sarili nitong estudyante sa Pedro “Oloy” N. Roa Senior High School sa Cagayan De Oro nitong Martes.

“Perhaps it is also high time that the mental health needs of both our teachers and students are given attention,” ani Briones, kasabay ng pakikiramay sa pamilya ni Cabactulan, na may tatlong maliliit na anak. “I am deeply saddened and disturbed that an incident such as this happened in a place of learning.”

Ayon sa report na isinumite ng Division of Cagayan De Oro City, namatay sa Madonna Hospital si Cabactulan isa’t kalahating oras ang lumipas matapos siyang pagsasaksakin sa likod ng kanyang 15-anyos na estudyante dakong 8:30 ng umaga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tumakas ang binatilyo matapos ang krimen, ngunit sumuko rin sa mga awtoridad dakong tanghali.

Ayon sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Bulua Police, sangkot din sa insidente ang dalawa pang binatilyong kaklase ng suspek. Ayon sa tatlo, paulit-ulit silang pinagagalitan at ipinahihiya ng biktima kaya nagtanim sila ng galit dito.

Sumailalim naman sa stress debriefing ang lahat ng estudyanteng nakasaksi sa krimen.

Taong 2010 ng saksakin at mapatay din si Teodora Soner, guro sa Manuel L. Quezon High School, ng kanyang 14-anyos na estudyante sa harap ng paaralan. (MERLINA HERNANDO-MALIPOT)