sid-copy-copy

SA tanong kung gaano kasama ang karakter niya bilang si Dean Balbuena sa Alyas Robin Hood, “Sobrang bad” ang sagot ni Sid Lucero. Mas bad pa raw sa karakter niya sa The Millionaire’s Wife na kinainisan siya nang husto ng televiewers sa sobrang kalupitan at pang-aapi kay Andrea Torres.

Main contravida ni Dingdong Dantes si Sid at sa trailer ng action series na ipinakita, siya rin ang pumatay kay Christopher de Leon gamit lang ang billiard stick.

“Gusto ko kontrabida gaya sa mga role ni Daddy (Mark Gil), natatandaan ‘yun ng viewers at okay lang sa akin kung lagi akong support, hindi ako choosy. Saka mas maganda ang supporting role at bad guy roles, mas napaglalaruan at hindi nawawalan ng shows,” sabi ni Sid.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Aminado si Sid at ikinuwento pa niya na matagal din siyang hindi binigyan ng show ng GMA-7 dahil naging pasaway siya sa mga nauna niyang shows. Lagi siyang late mag-report sa taping at minsan, habang nasa set, natutulog lang at hindi magising.

“Ang pasaway ko nga dati at akala ko ‘di na ako bibigyan ng show ng GMA-7. Mabuti at pinagkatiwalaan uli akong bigyan ng show. After The Millionaire’s Wife, heto uli ako and I’m happy.”

Sa Monday, September 19 na ang pilot ng Alyas Robin Hood sa direction ni Dominic Zapata. Sixteen weeks daw tatakbo ang action series na hindi lang ang fans ng Kapuso Network at fans ng cast ang nag-aabang. Nag-aabang din ang haters na nag-akusang kopya sa US series na Arrow ang Alyas Robin Hood. (Nitz Miralles)