LAUSANNE, Switzerland (AP) — Binawiian ng dalawang medalya ang Russia mula sa track and field competition sa 2008 Beijing Olympics,.
Sa isinagawang re-testing ng kanilang mga samples, nagpositibo ang Russian athlete sa ‘anabolic steroid.’
Sinabi ng International Olympic Committee (IOC) nitong Martes na may apat na Russian na napatalsik sa Beijing Games ay sangkot sa paggamit ng ‘turinabol’.
Diskwalipikado sina Maria Abakumova, nagwagi ng silver sa women’s javelin, at Denis Alexeev, nag-bronze medal sa men’s 4x400-meter relay team, ayon sa IOC.
Bunsod nito, makukuha ng Great Britain ang dalawang bronze medal.
Sa javelin, makukuha ni Christina Obergfoell ng Germany ang silver, habang ang pumang-apat noon na si Goldie Sayers ng Britain ang bronze medalist Ibibigay ang gintong medalya kay Barbora Spotakova ng Czech Republic.
Sa men’s relay event, pumang-apat ang Britain sa likod ng Russian team na kinabibilangan ni Alexeev, habang kampeon ang United States at silver medalist ang Bahamas.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng International Weightlifting Federation na suspindido si Anatoli Ciricu ng Maldova, bronze medalist sa 2012 Olympics, matapos magpositibo sa isinagawang re-testing.
Ayon sa IWF, nagpositibo sa anabolic steroid dehydrochlormethyltestosterone ang sample ni Ciricu.
Nauna nang ipinahayag ng IOC ang pagkakatuklas ng 98 positive case sa isinagawang retest ng mahigit 1,000 samples mula sa Beijing at London Olympics.