LUPAO, Nueva Ecija - Nabahiran ng dugo ang selebrasyon ng kaarawan makaraang magpang-abot sa inuman ang dalawang bisita na matagal nang may alitan sa Purok 3, Barangay Bagong Flores sa bayang ito, nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Lupao Police, nasawi si Leopoldo Pascua Jr., y Cabutol, 36, binata, residente sa lugar, makaraang magtamo ng malalalim na saksak sa katawan.

Dakong 7:30 ng gabi at nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa bahay ng may kaarawan na si Sonny Esteves nang dumating ang suspek na si Teodoro Bagayan, Jr. at sumalo sa kanila.

Hindi nagtagal ay nagtalo ang biktima at suspek hanggang sa bumunot ng balisong si Bagayan at pinagsasaksak si Pascua.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima, habang nakatakas at pinaghahanap ngayon ang suspek.

(Light A. Nolasco)