Sa kabila ng pagsiguro ni Armed Forces Chief of Staff, Gen. Ricardo Visaya na lubusang sinusuportahan ng militar ang ‘independent foreign policy’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kailangan pa rin ng Pilipinas ang tulong ng Estados Unidos sa paglaban sa terorismo.

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa P178.218 bilyong panukalang badyet para sa Department of National Defense (DND), sinabi ni Visaya na hindi tatalikuran ng militar ang Pangulo.

“He is our commander-in-chief and we are always behind him,” pahayag nito.

Sa nasabi ring pagdinig, inihayag naman ni Lorenzana na kailangang panatilihin ang diplomatikong relasyon ng US at Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sa tingin ko po ay kaya sila andyan (US troops) dahil wala tayong capabilities na ginagawa nila ngayon. I think we requested them to stay behind to provide us with the ISR (intelligence surveillance reconnaissance). We don’t have this equipment. But, we might be able to do this in the near future, we are procuring the same capabilities like Israel, meron na tayong equipment na pwede na nating gamitin,” ani Lorenzana.

Pagtarget sa Kano, malabo

Kinontra din nito ang pahayag ng Pangulo na high value target ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang mga Amerikanong sundalo.

“Iyong mga fears ni Presidente na they might be subject to reprisal by the Muslims is a little bit, ay hindi siguro mangyayari kasi nasa kampo lang sila and they don’t go out of the camp kung mag-isa lang sila, or dapat may kasamang tropa natin or they are also armed,” pahayag ni Lorenzana.

“Let us remember your honor that these people are also combatants, they are not civilians that are subject to kidnapping by terrorists. When they go around, I think they go to Cebu or Manila but they don’t spend their time unarmed in the area of Mindanao,” dagdag pa nito.

Digong kumambiyo

Sa kabila ng sunud-sunod na pagbira sa US, kumambiyo naman ang Pangulo at sinabing hindi siya anti-American.

Sa kanyang pagharap sa ‘Talk with Airmen’, kasabay ng 48th anniversary ng 250th Presidential Airlift Wing (PAW) sa Villamor Air Base, sa Pasay City noong Martes, siniguro ng Pangulo na igagalang nito ang alyansa ng Pilipinas sa Amerika.

“I am not anti-American. I said, we are not severing our ties, military ties.

Nandiyan ‘yan eh. Who am I to abrogate a treaty?” ayon kay Duterte.

Ipinaliwanag ng Pangulo na ang sinasabi niya ay ang tinatahak ng administrasyon---ang pagkakaroon ng ‘independent policy’. (CHARISSA M. LUCI at ELENA L. ABEN)