PANIQUI, Tarlac - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang binata na nakuryente sa kawad ng kuryente na biglang naputol sa kasagsagan ng ulan sa Palaganas Street, Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac.

Dead on arrival sa Rayos Hospital si Romulo De Guzman, 25, ng nasabing barangay.

Dakong 7:30 ng gabi nitong Martes, sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin ay na-stranded si De Guzman at kaibigan niyang si Leadman Linsao, 23, sa Carapdapan Street, pero sa kagustuhang makauwi na ay sinugod ng biktima ang ulan. Sa biglang hihip ng malakas na hangin ay naputol ang kawad ng kuryente at aksidenteng nakawakan ito ni De Guzman.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog