martin-copy

Ginapi ng University of the Philippines Fighting Maroons at Adamson Soaring Falcons ang kani-kanilang karibal sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 14th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa St. Placid gym ng San Beda College-Manila campus sa Mendiola, Manila.

Hataw si Cebuano standout Jun Manzo sa naiskor na 23 puntos, kabilang ang dalawang charities sa huling limang segundo para sandigan ang Fighting Maroons sa 80-78 panalo kontra Diliman College Blue Dragons.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nanguna si dating Adamson high school player Keith Zaldivar sa natipang 15 puntos para sa 65-57 panalo ng Soaring Falcons kontra San Beda-B Red Lions.

Nakopo ng Maroons, pinangangasiwaan ni coach Rodney Santos, ang ikatlong sunod na panalo sa Group A senior division, habang ang Falcons na ginagabayan ni Renren Ritualo ay kumabig ng ikatlong panalo sa apat na laro.

Huling nakatabla ang Blue Dragons sa 76-all mula sa jumper ni Rob Ricafort may 39 segundo sa laro. Ngunit, nakabawi si Manzo sa free throw line.

Nauna rito, nagsalansan ng 16 puntos si AJ Madrigal para gabayan ang Maroons kontra San Beda-B, 66-61.

Sa iba pang laro, tinalo ng Rich Golden Shower Montessori Center Spartans, sa pangunguna ni RJ Lozarito na kumana ng 21 puntos, ang San Beda-Mendiola Red Kittens, 89-85, para sa ikatlong sunod panalo sa Group A junior division.

Pinabagsak ng Arellano University Braves ang anila Patriotic School Patriots, 71-64, at nagwagi ang University of Santo Tomas sa Makati Gospel College, 148-37, sa high school class.

Nagwagi naman ang Letran Knights kontra Colegio San Agustin-Binan, 95-53, para sa 2-1 karta sa Group B senior side.

Ratsada si Eugene Toba sa nakubrang 24 puntos para sa dominanteng 107-73 panalo ng San Beda-A kontra CSA-Binan, habang pinadapa ng San Beda-B ang Jose Rizal University, 81-73.