NEW YORK (AP) – Matapos ang protesta laban sa lider ng kanyang bansa sa Rio Olympics, nagpalipat-lipat ng bansa si Ethiopian silver medalist Feyisa Lilesa at hindi na makauwi sa kanyang pamilya.

Nadagdagan ng takot ang pag-aalala niya sa kalagayan ng kanyang maybahay at dalawang anak.

Ang katotohan: malabo na niyang makita ang pamilya sa kasalukuyang sitwasyon na idinulot ng kanyang prinsipyo.

Umagaw ng atensiyon si Lilesa nang itaas ang kanyang mga kamay na pa-krus, isang tanda ng protesta sa aniaya’y pagmamalabis ng mga opisyal ng Ehtiopia sa mga mamamayan.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Sa kasalukuyan, nasa Amerika si Lilesa tangan ang special skills visa.

“If I would’ve taken my medal and went back to Ethiopia, that would’ve been the biggest regret of my life,” pahayag ni Lilesa sa panayam ng The Associated Press.

“I wanted to be a voice for a story that wasn’t getting any coverage,” aniya.

Umani ng suporta sa netizen at sa on line ang aksiyon ni Lilesa, subalit hindi ito sapat para mapukaw ang atensiyon ng pamahalaan sa kanyang hinaing at sa boses ng masa dahil patuloy pa rin ang pangaabuso sa mga anti-government.

“It gives me hope — them following in my footsteps and making a stand by saying, ‘Enough,’” sambit ni Lilesa.

Hindi humingi ng ‘political asylum’ si Lilesa dahil naniniwala siya na magkakaroon ng kasagutan sa hinaharap ang kanyang ipinaglalaban.