Official English na ang lechon, kare-kare at pancit ng mga Pinoy.
Inilabas ng Oxford English Dictionary (OED) ang September 2016 update nito na mayroong 1,000 revised at updated entries. At kabilang sa mga ito ang 11 salitang Pinoy, anim ay mga paboritong nating pagkain -- ang lechon at pancit, puto, kare-kare, balut, at leche flan.
Inilarawan ng OED ang balut na ‘fertilized duck’s egg boiled and eaten in the shell while still warm, and a delicacy in the Philippines.’
Ang iba pang Filipino words na kabilang sa September 2016 update ay bayanihan, lolo, lola, tito, at tita.
Isinasama ang isang salita sa listahan ng Oxford Dictionary kapag nakitaan ng ebidensiya na ang mga bagong termino ay ginagamit sa iba’t ibang sources at hindi naluluma ng panahon.
Ang susunod na OED ay ilalabas sa Disyembre.
Ang Oxford English Dictionary ay isa sa pinakamalaki at longest-running language research projects. (CNN)