Umapela ang isang anti-toxic watch group sa pamahalaan na ipagbawal na ang mga nakalalasong kemikal na inihahalo sa mga alahas at religious products sa bansa.

Ginawa ng EcoWaste Coalition ang apela matapos matuklasan na ilang mumurahing hikaw, bracelet, kuwintas, singsing at rosaryo na nabibili sa Divisoria, Quiapo at Sta. Cruz sa Maynila ay nagtataglay ng mataas na konsentrasyon ng cadmium at lead.

“Consumers are literally buying poison ornaments to adorn their bodies or express their faith without them knowing it because of the absence of legal restrictions on hazardous substances in jewelry and the lack of mandatory labeling information,” ani Thony Dizon, Coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition.

Isinagawa ng grupo ang pagsusuri sa jewelry products kasunod ng ulat na ipinag-utos sa France, Germany, Latvia at Sweden ang pag-aalis sa merkado ng ilang alahas na nagtataglay ng mataas na antas ng cadmium, lead, mercury o nickel.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa 45 sample ng alahas na binili ng grupo ay 23 ang natuklasang may mataas na antas ng cadmium at lead.

(Mary Ann Santiago)