MARIING nilinaw ni Jericho Rosales na for the sake of arts lang ang maiinit na eksena nila ni Arci Muñoz.

Wala naman daw siyang magagawa kundi ibigay ang lahat para sa mga eksena nila. Ginampanan lang niya ang trabaho niya at ibinigay nang maayos ang character niya sa nasabing serye.

Sabi pa ni Echo, magkaibigan naman sila ni Arci kaya walang malisya silang naramdaman. Bukod sa may asawa na raw siya at may boyfriend naman si Arci kaya kahit pinaghuhusay nila ang kanilang mga eksena, hindi raw gumagana ‘yung anumang imahinasyon at mas lalo raw na wala raw silang pinagaganang kabastusan.

Inihayag din ni Echo na kilalang-kilala niya ang boyfriend ni Arci at may respeto siya rito.

Tiniyak din niya na hindi magseselos ang kanyang wife na si Kim Jones sa maiinit na eksena nila ni Arci dahil nauunawaan nito ang trabaho niya.

Relasyon at Hiwalayan

Franki Russell, Enrique Gil naantala ang pagkakamabutihan

Nilinaw din ni Echo ang pang-iintriga na maaari siyang magkakaproblema sa pagiging Born Again Christian niya dahil sa sexy scenes na ginagawa niya.

“Ang alam ko, eh, trabaho lang ang ginawa ko at hindi naman magiging isyu sa grupo namin kung anong role ang gagampanan ko at kung gaano kainit ang mga love scene na gagawin ko.

“Trabaho lang naman ang ginagawa ko at wala akong nakikitang eskenang nagawa na namin na ikakasama nila,” sey ng premyadong Kapamilya actor.

Trabaho raw ang ginagawa niya at hindi ito bawal. (JIMI ESCALA)