NAGSIMULA ang riot na katatawanan sa press launch ng Magpahanggang Wakas nang diretsahang tanungin si Jericho Rosales kung nasarapan siya sa love scene nila ni Arci Muñoz na indirect niyang sinagot ng, ‘hindi.’
“Sa sarap na sarap kay Arci, madalas kang maalat, eh,” pagtatapat ni Echo. “’Tapos lagi siyang sumi-segue (sa tapings at shooting) kaya hindi siya nakakaligo. Aminin, masisisi ba kita kung nagpapatayo ka ng building (amoy) construction worker ka na?”
Tawanan ang lahat ng tao sa Dolphy Theater na pinagdausan ng presscon.
“Nagpupunas naman ako ng kilikili,” pa-baby talk namang sagot ni Arci.
“So mahirap talaga (masabing nasarapan),” patuloy ni Jericho. “Nandidiyan ‘yung mga nag-iilaw, nandiyan ‘yung crew, may mga buhangin kami sa katawan, maghapon kaming nakapila, so iba na ‘yung dating ng love scene, iyon ‘yung challenge talaga.”
Biglang tumigil ang aktor dahil napansin niyang bumubulung-bulong ang leading lady.
“Tsine-chek ko lang kung gumagana (ang mikropono),” katwiran ng dalaga.
“Guys,” pabulong kunwaring sabi ni Echo sa press, “mamaya may lalabas na.
“So, ‘yung pakikipagtrabaho kay Arci, isa sa greatest reason kung bakit ako excited sa show namin, working with Direk (FM Reyes), working with these actors of course, having fun with Tito Lito(Pimentel) on the set, and then, kami ni Mona (palayaw ni Arci na Ramona ang pangalan sa tunay na buhay), sa mga eksena naming dalawa, tumatalab, eh. Ang galing, eh. Kasi ‘yung believability niya, malakas.
“So, ‘yun, since siguro, baka may feeling ako na may pagkasinto-sinto siya,” natatawang kuwento ng aktor na ikinatawa rin ng press.
“Walang maniniwala (na sintu-sinto siya),” tumatawang sabi naman ni Arci.
Biglang bumawi si Echo.
“Mona is one of the best leading ladies I’ve worked with, I promise. One of the most beautiful, isa sa pinaka-sexy. Sorry Maja (Salvador), I love you, but si Mona, the best.”
“Ohhh, saan mo gusto (ilibre) mamaya?” natuwang hirit ni Arci.
“Maka-press release naman, banana cue nga lang, isang piraso lang ‘binigay mo sa akin, kinain mo pa ‘yung kalahati!”
pambubuking ulit ng aktor.
Halakhakan na naman ang lahat sa Dolphy Theater at ang katwiran ni Arci, “Ha-ha-ha, eh, wala na kasing pagkain sa isla, eh.”
Isipin mo, Bossing DMB kung gaano kasaya sa taping ang cast ng Magpahanggang Wakas na idinadaan na lang nila sa biruan at tawanan dahil heavy drama ang kanilang serye. (REGGEE BONOAN)