Nagpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) na pumipigil sa Department of Health (DoH) at Food and Drugs Administration (FDA) sa pag-apruba sa mga application para sa reproductive health products and supplies, kasama na ang contraceptives.

Ito ay matapos sabihin ng Korte Suprema ang paglabag ng FDA sa due process ng Alliance for Family Foundation of the Phils. Inc., na kumuwestiyon sa certification at recertification ng mga kuwestiyonableng contraceptive drugs.

Giit ng SC, sinertipikahan, binili at pinangasiwaan ng FDA ang kinuwestiyong gamot ng walang ‘due process’ at public hearing sa kabila ng pagtutol ng naturang grupo.

Sakop ng kautusan ang kaso ng mga gamot na ‘Implanon’ at ‘Implanon NXT’ na ang pagbebenta ay pinigil na ng korte noong nakaraang taon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nais ng petitioner na tukuyin muna kung ang mga naturang gamot ay ‘abortifacient’ o hindi, gayundin ang mahigit sa 70 pang contraceptive drugs.

Ang mga ‘abortifacient’ ay mga gamot na nagdudulot ng pagkalaglag ng sanggol mula sa sinapupunan. (Beth Camia)