MINA, Saudi Arabia (AFP) – Nagbalik ang mga Muslim mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa lugar ng madugong stampede noong nakaraang taon para isagawa ang stoning ritual malapit sa Mecca sa huling ritwal ng hajj nitong Lunes at Martes.
Dumagsa ang napakaraming mananampalataya pababa sa Jamarat Bridge kung saan ginanap ang “stoning of the devil” sa ilalim ng matinding seguridad at walang naganap na aberya, sinabi ng tagapagsalita ng interior at hajj ministry.
Ang stampede noong nakaraang taon ay ang pinakamadugong sakuna sa kasaysayan ng hajj.
Ayon sa Riyadh, 769 katao ang namatay, ngunit sa bilang na natipon mula sa mahigit 30 bansa ay umaabot sa 2,300 ang nasawi.