Nag-alok ng eroplano ang China para gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit tinanggihan ito ng huli.

“Kasi ang China nagsabi daw, they are worried of me, kaya nagku-kuwan na magbigay ng eroplano ko na, ay susmarya, ‘yan na,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa Philippine Air Force (PAF) nitong Martes ng gabi.

“Baka walang fuse ‘yang isa, puputok ‘yung isa, tapos na tayo,” pabirong pahayag nito, lalo na’t hindi pa lubusang nagkakaunawaan ang China at Pilipinas sa isyu sa China in the South China Sea.

Sa halip na tanggapin ang eroplano ng China, sinabi ng Pangulo na komportable na siya sa commercial planes.

Eleksyon

Giit ni Sen. Imee: 'Manindigan sa tama para manalo!'

“Okay na ako sa PAL pati Cebu Pacific. Okay man ‘yan, mas safe diyan pati kapkap. Okay man lahat, I mean I do not see any danger there diyan,” pahayag nito. (Genalyn Kabiling)