Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- San Sebastian vs EAC

4 n.h. -- Mapua vs St.Benilde

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maipormal ang pagsampa sa Final Four ang tatangkain ng Mapua sa pagsabak sa bokyang College of St.Benilde sa tampok na laro ngayong hapon sa inaasahang ratsadahang pagtatapos ng NCAA Season 92 men’s basketball elimination sa San Juan Arena.

Hawak ang barahang 10-5, kailangan ng Cardinals na maipanalo ang huli nilang laro sa elimination round upang masiguro No.4 spot sa Final Four. Nakatakda ang laro ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, maghaharap sa unang laban ganap na 2:00 ng hapon sa isang no- bearing game ang kapwa sibak na San Sebastian College at Emilio Aguinaldo College.

Sakaling magtala ng upset ang Blazers at masilat ang Cardinals, mabubuhayan pa ng tsansa ang Jose Rizal University na puwede pang maka sampung panalo sakaling magwagi sa huli nilang laban sa eliminations kontra San Sebastian College sa Setyembre 22.

“Yung defense namin, ‘yun ang hindi dapat mawala.We need to be consistent with our defense,” pahayag ni Mapua coach Atoy Co.

Hindi rin sila puwedeng magkumpiyansa dahil siguradong lalaban pa rin ng husto ang CSB na lubhang uhaw sa panalo.

Muli, sasandig ang Cardinals para sa ikalawang sunod na taong pag- usad ng Final Four round ang reigning MVP na si Allwell Oraeme, kasama ng mga beteranong sina CJ Isit, Joseph Eriobu at Darrel Menina. (Marivic Awitan)