PORT-AU-PRINCE (AFP) – Tinatayang 100 Haitian na nagkasakit ng cholera ang nagprotesta noong Lunes sa harapan ng presidential palace upang hilingin na obligahin ng gobyerno ang United Nations na magbayad ng danyos dahil sa epidemyang idinulot nito.
‘’We are here so that (interim president) Jocelerme Privert finally takes the victims’ side during the UN General Assembly next week,’’ sabi ni Mario Joseph, abogado ng mga taong nabiktima ng cholera.
Kalagitnaan ng Agosto, halos anim na taon na ang nakalipas simula nang unang kumalat ang epidemya sa maralitang island nation, inamin ng United Nations na mayroon itong ‘’moral responsibility’’ sa mga biktima.