Winalis ng San Beda College ang lahat ng tatlong division sa katatapos na NCAA Season 92 swimming competition na idinaos sa Rizal Memorial swimming pool complex sa Manila.

Inangkin ng Sea Lions ang kanilang ika-15 sunod na kampeonato sa men’s division matapos makatipon ng 1,467 puntos habang naitala naman ng Sea Lioness ang kanilang ikalimang sunod na titulo sa natipong 1,300 puntos.

Kinumpleto ng Sea Cubs ang bibihirang sweep nang patalsikin ang 11- time champion CSB- La Salle Greenhills Junior Blazers sa nalikom nilang 1,037.5 puntos.

Nahirang na MVP sa ikatlong sunod na taon si Joshua Junsay, gold medal winner sa 100-meter at 200m butterfly at men’s 4 x 50 meter freestyle relay.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We’re proud of what the team achieved,” pahayag ni NCAA Management Committee chairman Jose Mari Lacson.

Gayunman, napunta ang MVP honors ng women’s at juniors division sa mga tankers ng runner-up Lady Blazers at Junior Blazers, ayon sa pagkakasunod.

Nakuha ni Maria Areas Lipat, gold medal winner sa women’s 100 meter freestyle, 50 meter freestyle, 50 meter backstroke at 100 meter at 50 meter butterfly ang nagwaging women’s MVP habang si ‘ Miguel Karlo Balisan, gold medalist sa boy’s 100 meter freestyle, 100 meter breaststroke, 50 meter freestyle at 50 meter backstroke bukod pa sa silver medal sa 200 meter freestyle ang naging MVP ng juniors.

Napili namang mga Rookies of the Year sina John Soriano ng Arellano University sa men’s, Febbie Mae Porras ng San Beda sa women’s at Luis Evangelista ng San Beda sa juniors.

Samantala, sa men’s division malayong second placer ang CSB na may 473 puntos, pangatlo ang Arellano na may 263 puntos, pang- apat ang San Sebastian na may 217.5 puntos at panglima ang Emilio Aguinaldo College na may 167 puntos.

Pumangalawa naman sa women’s ang Lady Blazers na may 811.5 puntos at malayong pangatlo ang EAC Lady Generals na may 221.5 puntos habang runner-up sa juniors division ang Junior Blazers na may 948.5 puntos at pumangatlo ang Braves na may 286 puntos. (Marivic Awitan)