BEIJING (AP) – Sinibak sa trabaho ang apat na empleyado ng Chinese Internet giant na Alibaba dahil sa pagnanakaw sa mahigit 100 kahon ng mooncake, ang tradisyunal na kakanin na pinagsasaluhan sa Mid-Autumn Festival ngayong linggo.

Iniulat ng state media noong Miyerkules na nag-alok ang Alibaba ng diskuwento sa mga empleyado nito sa pagbili ng circular treats, na ipinamimigay sa kapistahan na nagsimula nitong Huwebes.

Sinamantala ng mga sinibak na empleyado ang loopholes sa software upang makakuha ng sobra sa inilaang dami at ninakaw ang 124 na kahon ng kakanin.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina