Nakahanda umano ang Department of Justice (DoJ) na iprisinta sa Kamara ang 20 resource persons kaugnay sa umano’y illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, sa ngayon ay patuloy ang kanilang interview sa mga testigo para sa case build-up dahil patuloy pa ang pagdating ng mga impormasyon sa kanyang tanggapan.

Nakatakdang humarap si Aguirre sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Setyembre 19 at 20.

Sinabi ng Kalihim na mayroon nang tatlong inmates mula sa NBP ang nagbigay ng kanilang sinumpaang salaysay na nagdadawit kay Sen. Leila de Lima at sa dating driver nito na si Ronnie Dayan sa Illegal drug trade sa Bilibid.

Isang dekada, kailangan para maisaayos educ crisis sa bansa—EDCOM2

Nauna nang sinabi ni De Lima na nagsasayang lamang ng oras ang Kamara kung ang tunay nilang pakay ay isangkot siya sa illegal drug trade, dahil inosente siya sa bintang. (Beth Camia)