Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. -- FEU vs Ateneo

4 n.h. -- La Salle vs UST

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa linya ang target ng Green Archers. At laban sa University of Santo Tomas, puntirya ng La Salle, na mapanatili ang matikas na simula sa pagtudla sa ikatlong sunod na panalo sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 seniors basketball tournament ngyon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang duwelo sa 4:00 ng hapon.

Nalagpasan ng Green Archers ang tikas ng defending champion Far Eastern University at magaan na idinispatsa ang University of the Philippines para angkinin ang maagang liderato sa 2-0 karta.

Target ng Tamaraws na makabawi sa pakikipagtuos sa Ateneo ganap na 2:00 ng hapon.

Muling aasahan ng Green Archers ang kanilang depensa sa pagsalang nila kontra Tigers na hangad namang madugtungan ang unang panalong naitala kontra University of the East Red Warriors.

“Ganun talaga ang sistema namin, we don’t rely on our offense. Everytime we played good defence it produces points for us,” pahayag ni La Salle coach Aldin Ayo.

Sa panig ng UST, wala namang ipinangako si coach Jun Zablan.

“Basta pipilitin lang naming magawa lahat ng mga pinaghandaan namin sa ensayo.We’ll give them a good fight,” aniya.

(Marivic Awitan)