LIPA CITY, Batangas - Patay ang isang retiradong seaman matapos umanong barilin at tamaan sa mukha ng hindi nakilalang suspek habang nasa harap ng kanyang bahay sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nakilala ang biktimang si Danny Retiro, 62, taga-Barangay Sico sa lungsod.

Nabatid sa report na dakong 5:15 ng hapon nitong Lunes, papasok sa gate ng kanyang bahay si Retiro nang pagbabarilin ng riding-in-tandem. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar