Ipinahayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Senior Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga artista o personalidad na kusang-loob na susuko kaugnay sa ilegal na droga.

Nanawagan si Eleazar sa mga artista na biktima o patuloy na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na boluntaryong sumuko at nangakong sila’y poprotektahan.

Aniya, walang dahilan para kasuhan ang mga artistang user at tulak ng ilegal na droga kung boluntaryong susuko ang mga ito.

Simula ngayong araw, Setyembre 14, bukas ang tanggapan ng QCPD sa Camp Karingal sa mga susuko at malaking tulong umano ang kanilang paglantad sa publiko upang magsilbing halimbawa sa iba pang sangkot sa ilegal na droga.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

(Jun Fabon)