miller-copy

Mula sa PBA, dadalhin ni two-time Most Valuable Player Willie Miller ang talento sa one-on-one basketball sa Serbia, sa pagsabak kontra sa 32 matitikas na streetballers mula sa 20 bansa para sa ‘King of the Rock’ world finals sa Setyembre 17.

Tumulak patungong Belgrade nitong Martes ang grupo ni Miller – ang kauna-unahang Pinoy na makalalaro sa pinakamalaking one-on-one street basketball competition sa mundo. Lalaro si Miller bilang kapalit sa umatras na si Filipino-American Robbie Herndon.

Natalo ni Herndon ang nine-time PBA All Star sa national finals nitong Marso, ngunit umatras ito para bigyan ng pansin ang paghahanda sa 2016 PBA Draft.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa kahusayan ng 14-year PBA veteran, swak si Miller sa torneo na pangungunahan ni defending champion Kivanc Dinler, nagwagi kontra Hugh ‘Baby Shaq’ Jones, para sa back-to-back title.

Bukod sa Serbia at Turkey, pasok din sa finals ang kinatawan ng Lithuania, Argentina, Russia, Montenegro, Estonia, Poland, Angola, South Africa, Netherlands, Kazakhstan, Taiwan, Kuwait, Romania, Moldova, Azerbaijan, Slovenia, Georgia at Lebanon.

Gaganapin ang ‘Red Bull King of the Rock’ World Finals sa Mali Kalemegdan.