TUY, Batangas - Kapwa patay ang isang pulis at kasama nito makaraan silang pagbabarilin sa Tuy, Batangas kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Western Batangas Medical Center sina PO3 Pedro Oronico, nakatalaga sa Tuy Police; at Arjhon Gonzales.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), bandang 6:50 ng umaga at sakay sa motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin sila sa Barangay Putol.

Nakatakas ang tatlong suspek, lulan sa motorsiklo, at iniimbestigahan na ngayon ang motibo sa krimen. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar