Sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SEnA), natutulungan ng legal service ng Department of Labor and Employment (DoLE) na maisaayos ang mga benepisyo ng manggagawa na ilegal na tinanggal sa trabaho ng dating employer.
Ilang overseas Filipino workers (OFWs) ang naghain ng kanilang request for assistance (RFA) sa DoLE-Legal Service dahil sa ilegal na pagkakatanggal sa kanilang trabaho at sa hindi pagbabayad ng separation pay ng kanilang mga dating amo.
Matapos ang dalawang pagpupulong na pinangasiwaan ng Single Entry Approach Desk Officer (SEADO), nagkaroon ng kasunduan matapos na boluntaryong tanggapin ang alok ng dating employer na tulong-pinansyal at iba pang benepisyo.
Ang SEnA ay isang programa ng DoLE na naglalayong magkaroon ng simpleng pamamaraan sa pagdinig ng mga kasong lumalabag sa batas-paggawa. (Mina Navarro)