Sinimulan ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police at Southern Police District (SPD) na katukin ang malalaking bahay sa eksklusibong subdibisyon sa isinagawang ‘Oplan Tokhang’ sa lungsod kahapon ng umaga.

Sinabi ni Muntinlupa Police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador, dakong 9:00 ng umaga nang umpisahan ang operasyon sa Ayala Alabang Village.

Kasama ng mga pulis ang mga opisyal ng homeowners association sa pangunguna ng kanilang presidente na si Tony Laurel at barangay.

Armado ng mga pulyeto ang mga babaeng pulis na gagamitin sa pagpapakalat ng impormasyon ukol sa kampanya kontra droga ng Philippine National Police (PNP) at sinimulang katukin ang nasa 100 bahay sa nasabing lugar.

Metro

Nahilong senior citizen na namimitas ng malunggay, tumusok mukha sa bakod

Karamihan sa mga kinatok ay pawang mga kasambahay ang humarap at tumanggap ng pulyeto mula sa mga pulis.

Ngayong Miyerkules itutuloy ang operasyon sa iba pang exclusive subdivision sa Muntinlupa. (Bella Gamotea)