kathniel-at-direk-olive-copy

HINDI nagdalawang-isip si Direk Olivia Lamasan na tanggapin ang proyektong Barcelona: A Love Untold na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Itinuturing niya itong transition movie ng dalawa. 

“They are maturing at kinakailangan nilang mag-grow bilang alagad ng sining,” wika ng bankable director.

Bago pa lamang nagsimula ang shooting, inilahad ni Direk Olive ang mga bagay na gusto niyang mangyari na naaayon sa kanyang panuntunan. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Sobrang magastos ang mag-shoot abroad and you cannot afford to waste precious time and resources. Halos kakaunti lang ang itinutulog namin at trabaho ang aming inaasikaso. Gusto kong aralin nilang maigi ang eksena at i-memorize ang dialogue na walang ad lib at with feeling,” sabi ni Direk Olive.

Lubos siyang nasiyahan sa mahigit pa sa 100 percent cooperation na ibinigay ng kanyang mga artista. 

“Alam nilang may hangganan ang pagpapa-sweet at they have to move on. Nag-focus sila nang husto sa kanilang respective roles. Ang tanging masasabi ko ay hindi nasayang ang pagpiga ko nang husto sa kanila para maging makatotohanan ang kanilang acting.

Nasundan namin ang successful directorial career ni Olivia Lamasan at ang ilan sa mga pelikulang tumatak sa aming isipan ay ang Sana Maulit Muli, Madrasta, In My Life at The Mistress.

Sa Barcelona, Spain ang setting ng newest movie niya at malakas ang hatak sa moviegoers na makita ang makasaysayan at romantikong lugar. Curious lang kami sa salitang “untold” sa titulo, may elemento kaya ito ng incestuous relationship not necessarily sa pagitan nina Kathryn at Daniel?

Can’t wait to watch it. Ngayon na ang opening day nito sa mga sinehan nationwide.