Naglunsad ng pursuit operation ang pulisya at militar laban sa mga armadong lalaki na dumukot sa isang babaeng negosyante sa Purok 3, Barangay Poblacion sa Nilamon, Lanao del Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report ng Lanao del Norte Police Provincial Office (LNPPO), inaalam pa ang motibo at nasa likod ng pagdukot kay Clarita Degasayo, may-ari ng gasolinahan, at residente ng Linamon.

Sinabi ni LNPPO Director Senior Supt. Faro Antonio Olaguera na puwersahang isinakay ng ilang armadong lalaki sa puting Montero Sports (ABC-8430) ang biktima. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar