Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang sinehan sa Quiapo, Maynila nitong Lunes ng tanghali.

Hindi na humuhinga nang matagpuan si Salvador Auro, 48, ng 19 Victory Avenue, Tatalon, Quezon City, na nakaupo sa orchestra area ng Times Theater sa 648 Quezon Boulevard, Quiapo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nadiskubre ni Arnold Tungco, 33, ng 1667 Milagros Bambang Street, Sta. Cruz, Maynila, ang bangkay ni Auro.

Ayon kay Tungco, manonood sana siya ng pelikula sa nasabing sinehan nang mapansin ang biktima na hindi manlang kumikilos.

Ina ni Jerlyn Doydora, pinapanagot si Renee Co sa pagkasawi ng anak sa Mindoro: ‘Walang hiya ka’

Dahil dito, tinawag na umano niya ang security guard na si Marvin Reyes upang alamin ang kalagayan ng biktima at kapwa sila nagulat nang madiskubreng patay na ito.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ng guwardiya sa Barboza Police Community Precinct (PCP) ang insidente upang maimbestigahan ang pagkamatay ng biktima. (Mary Ann Santiago)