LOS ANGELES – Kung sa akala ni Jessie Vargas na laos na si Manny Pacquiao, nagkakamali siya ng hinuha.

Mismong si Dewey Cooper, trainer ng Mexican champion, ang nagpahayag ng pagkabahala dahil itinuturin niyang ‘great fighter’ ang Pinoy eight-division world champion.

“Pacquiao’s still a beast and all in this time frame but however, the knockout loss to (Juan Manuel) Marquez (in 2012), he started to be a little more patient since that fight which is not a bad thing. So Pacquiao’s still great, he still has his speed, he still has power, he’s still really into fighting. He has the passion for it,” pahayag ni Cooper sa panayam ng philboxing.com.

“So in our minds we’re facing the 2009, 2010 Manny Pacquiao and that’s how we want it because we want the best Manny Pacquiao,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Idedepensa ni Vargas ang kanyang WBO welterweight title kontra kay Pacman sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Nagbabalik lona si Pacman matapos ang naunang pahayag nang pagreretiro matapos manalo via decision kay Tim Bradley noong Abril.

Isang ganap na Senador si Pacquiao matapos manalo sa ginanap na eleksiyon nitong Mayo, ngunit iginiit ng pambato ng General Santos City na hindi magiging balakid ang paghahanda sa laban sa kanyang tungkulin bilang mambabatas.

Hawak ng 37-anyos na si Pacquiao ang kartang 58-6-2, tampok ang 38 KO’s, habang tangan ni Vargas ang 27-1, kabilang ang 10 TKO.