Sinimulan ng defending champion Macway Travel Club ang kampanya para sa inaasam na back-to-back title sa pamamagitan ng 90-74 panalo laban sa New San Jose Builders sa 2016 MBL Open (Second Conference) basketball tournament sa Rizal Coliseum.

Limang players, sa pangunguna ni dating Lyceum standout Pol Santiago at ex-PBA stars Bonbon Custodio at Nino Marquez ang nagpasimuno sa nakabibilib na opening-day salvo ng Macway sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Kumana si Santiago ng 15 puntos, habang sina Custodio at Marquez ay nag-ambag ng tig-11 puntos para sa Macway sa pangangasiwa ng bagong coach na si Daniel Martinez.

Hataw din sina dating MBL MVP Jemal Vizcarra at Mark Fampulme sa naiskor na tig-10 puntos para sa Macwaym

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Bagamat lumamang ng double-digits ang Macway, ang Rainier Carpio-mentored San Jose Builders ay bumangon at humabol upang maging mas kapana-panabik ang laro sa huling bahagi.

Nanguna sa NSJBI sina Nikko Lao at Lucky Boy Palogan na humirit ng tig-17 puntos.

Umiskor sina Lao at Allen de la Cruz sa 8-0 run para maidikit ang iskor sa 68-73 sa fourth quarter. Subalit isang 17-6 run ng Macway, tampok ang back-to-back triples ni Vizcarra ang tumapos sa laban.

Sa pamumuno ni businessman-sportsman Erick Kirong, target ng Macway na makopo ang ikalawang sunod na kampeonato.

Iskor:

Macway (90) -- Santiago 15, Marquez 11, Custodio 11, Vizcarra 10, Fampulme 10, Mangaran 9, Laude 8, Sta. Maria 6, Reyes 6, Natividad 3, Sta. Cruz 1, Melano 0.

New San Jose (74) -- Lao 17, Palogan 17, Dela Cruz 11, Rivera 10, Sumay 6, Grimaldo 5, Cruz 4, Carpio 2, Padua 2.

Quarterscores:

24-13, 46-34, 61-50, 90-74.