Ipinagkibit-balikat lang ni dating Speaker at ngayo’y Quezon City Rep. Feliciano ‘Sonny’ Belmonte ang alegasyon na ang Liberal Party (LP) ang nasa likod ng pagkilos para i-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Belmonte, masyadong popular ang Pangulo at walang tsansa para suportahan ng Mababang Kapulungan ang pagpapatalsik sa kanya.
“Definitely LP is not a Trojan Horse,” ani Belmonte.
Sa Mababang Kapulungan, 33 ang miyembro ng LP, 28 dito ay kaalyado ng supermajority na pinamumunuan ni Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez.
Pinabulaanan din ni Belmonte ang pahayag ng Pangulo na ginagamit ng LP ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga para siraan siya, kasunod ng hakbang para patalsikin naman sa pwesto, sa pamamagitan ng impeachment.
“The chances of that is zero and nobody will even think of it. First he is overwhelmingly popular which amounts to a public approval of his programs. Secondly he has overwhelming majority in the House where impeachment starts,” ani Belmonte.
Sinabi ng kongresista na sa halip na pag-usapan ang mga negatibo tulad ng impeachment, mas mainam umanong maging positibo na lang. (Charissa M. Luci)