WASHINGTON (AFP) – Kinumpirma ng Pentagon nitong Lunes na napatay sa isang air strike ng US ang lider at tagapagsalita ng Islamic State na si Abu Mohamed al-Adnani sa hilaga ng Syria noong nakaraang buwan.
‘’The strike near Al Bab, Syria, removes from the battlefield ISIL’s chief propagandist, recruiter and architect of external terrorist operations,’’ pahayag ni Pentagon press secretary Peter Cook, gamit ang acronym para sa grupong Islamic State.
‘’It is one in a series of successful strikes against ISIL leaders, including those responsible for finances and military planning, that make it harder for the group to operate.’’
Ang air strike noong Agosto 30 ay isinagawa ng Predator drone, na nagpakawala ng Hellfire missile target ang tumatakbong sasakyan ni Adnani.
Ayon sa mga opisyal si Adnani ang pangunahing tagapagsalita ng IS, at malaki ang papel sa high-profile attacks ng grupo nitong mga nakalipas na taon, kabilang na ang mga pag-atake sa Paris, paliparan sa Brussels at Istanbul, at sa isang cafe sa Bangladesh.
Gayundin ang pagpabagsak sa isang eroplano ng Russia sa Sinai, Egypt at sa mga pambobomba sa isang rally sa Ankara.