Hindi na nagawa pang maubos ng isang lalaki ang binili niyang sigarilyo matapos siyang pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin na sakay sa motorsiklo sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Patuloy na inoobserbahan ang biktima na kinilala sa alyas na “Jeboy Baquitis”, nasa hustong gulang, ng Barangay Napindan-Tipas ng naturang lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong 9:15 ng gabi sumulpot ang isang motorsiklo na kinalululanan ng suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktimang naninigarilyo sa isang grocery store.

Sa kabila ng mga tinamong sugat, nagawa pa umanong tumakbo ng biktima sa loob ng Crossline Restobar sa No.57 Katwiran Street, at hindi na nasundan pa ng suspek.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Isinugod agad ng Taguig Rescue team ang biktima sa isang pagamutan. (Bella Gamotea)