PAGKATAPOS ng Q and A sa grand presscon ng bagong seryeng Magpahanggang Wakas ay pinagkaguluhan ng ilang entertainment press sina Jericho Rosales at Arci Muñoz sa entablado para tanungin kung paano nila na-overcome ang love scene nila sa isla ng Caramoan, Camarines Sur.

Nagkaroon ba sila ng sensual workshop lalo na’t ito ang unang pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa.

“Wala!” mabilis na sagot ni Echo. “Wala na, pero nagkakatawanan lang kami. Naiilang kami nang konti kasi first time naming mag-meet, ‘di ba, tapos diretso kaagad kami ng Caramoan. Siyempre pini-feel pa namin ang isa’t isa. Medyo awkward nu’ng umpisa, pero nairaos na rin namin. “Nag-bond kaming dalawa sa Caramoan. Kuwentuhan kaming dalawa, nagbabad kaming dalawa sa lobby ng hotel, nagkuwentuhan ganyan, that’s the best that we could do.”

Nailang ba si Arci sa love scene nila ni Echo?

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Hindi naman po. I’m very comfortable with Echo and maganda ‘yung eksena, eh. Walang ganu’n. Saka propesyunal naman ‘to,” sabay tingin sa aktor.

Hindi ba nahirapan ang aktor na kontrolin ang sarili niya dahil nga dalawa lang sila ni Arci sa eksena at nasa isla sila na malamig ang tubig?

“Of course, when you’re doing scenes, you feel the love, you feel excitement, kasi siyempre nagpi-play kami ng character, kaya hindi mo dapat pigilan ‘yung sarili mo. Kapag nasa scene ka na, ‘yun na ‘yun, ‘di ba?

“Of course, working with her, you know, parang gave us the opportunity to be friends kaya ini-enjoy namin ‘yung beach na pareho kaming mahilig sa beach, mahilig din siya sa mga kung anu-anong mga bagay,” sagot ng aktor.

Alam ba ng asawa niyang si Kim Jones na may love scene sila ni Arci?

“Si Kim would be papagalitan ako no’n kapag half-baked ako sa trabaho. Saka we’re both (sila ni Arci) in a relationship, I know her boyfriend (Badi del Rosario), magkakilala kami,” pahayag ng aktor.

Tinanong din si Arci kung alam ba ng boyfriend niya na may love scene siya kay Echo?

“With my work naman, hindi naman niya ako pinapakialaman, alam naman niya na trabaho lang talaga. And si Echo naman ay kilala niya, hindi naman siya seloso, okay naman, kilala niya. Siya nga ang una kong sinabihan nu’ng malaman kong makakatrabaho ko si Echo, sabi niya, ‘Oh, that’s good. Say hi, give my regards.’ Hindi siya seloso, very supportive siya,” kuwento ni Arci.

Samantala, tinanong namin nang solo si Arci kung hindi ba siya napipikon kapag pinaglalaruan siya sa set ng Magpahanggang Wakas dahil sa presscon ay talagang nilaglag siya nang husto ng leading man niya na pati ang pagboboses-maliit niya ay tinawag pang ‘boses Sto. Niño.’

“Hindi,” mabilis na sagot ng dalaga, “ginu-goodtime ko rin sila.”

Actually, may dahilan naman kaya ‘binu-bully’ ng co-stars si Arci dahil habang kasagsagan ang presscon ay kung anu-ano ang pinagsasabi niya sa boses kikay bukod pa sa nagsasalita siya nang pabulong habang sumasagot ang aktor sa tanong ng press.

Pero napakaganda ng kuwento ni Arci tungkol kay Echo. 

“He made me feel really comfortable in every scene kasi pressured ako na makatrabaho sila. Ginagabayan niya ako, sinasabi niya, ‘Uy, ang galing-galing niya, sobrang galing niya.’ Minsan nai-intimidate ako, pero hindi niya pinaramdam sa akin ‘yun. Napakasimple n’yan.

“Thanks din kay Direk FM (Reyes) kasi sobra rin niya akong gina-guide sa character ko, akala n’yo lang ano... biglang lumabas (ang acting), hindi, siya ‘yun.”

Samantala, naitanong kay Echo ang tungkol sa naging alitan nila ni John Estrada, na gaganap bilang si Tristan na kaagaw niya kay Aryann (Arci), noong panahong karelasyon pa niya si Heart Evangelista.

“Sabi ko na, itatanong n’yo sa akin ‘yan, eh,” natawang sabi ni Echo. “Matagal na naming naayos ‘yon. Ako, humingi ako personally ng tawad sa kanya sa mga nagawa ko dati. Siya rin ganu’n, dalawa kami. And because of that event, parang nagkaroon pa kami ng mas magandang pagkakaibigan.

“Hindi kami masyadong nagkikita, hindi naman kami magka-close katulad nila ni (Richard Gomez) but you know, nagkaroon kami ng bond. Nagkakapagbiruan kami, ‘kita mo kanina kung papaano kami (magbiruan sa Q and A).

“So, I truly believe in forgiveness and moving on. And you know, may mga phase sa buhay mo na darating and that doesn’t end there. Good things happen after the storm.”

Mapapanood na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang Magpahanggang Wakas sa Setyembre 19 pagkatapos ng Till I Met You mula sa RSB Unit. (REGGEE BONOAN)