Setyembre 14, 1939 nang paliparin ng aeronautical engineer na si Igor Sikorsky ang unang practical helicopter sa mundo na VS-300, na kanyang dinisenyo. Ito ang unang pagkakataon na pinalipad ang aircraft mula sa Stratford, Connecticut. Gumamit ito ng single main rotor at tail rotor design.

Nagtayo si Sikorsky ng manufacturing company, at binuo ang S-29, na kayang bumiyahe ng hanggang 115 milya kada oras.

Matapos magsilbing inspirasyon sina Leonardo da Vinci at Jules Verne, nagustuhan na ni Sikorsky ang engineering at art. Bumuo rin siya ng isang maliit na modelo ng helicopter sa edad na 12, at nagdesisyong mag-enroll sa isang aviation program sa Paris.

Sinimulan niyang disenyohan ang isang helicopter noong 1909, at nag-migrate sa United States noong 1919.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Taong 1935, pinagkalooban siya ng patent para sa idinisenyong helicopter.