TEHRAN, Iran – Nakabawi ang Gilas Pilipinas 5.0, sa pangunguna ni Mac Belo na kumana ng 30 puntos, para pabagsakin ang Kazakhstan, 98-86, Martes ng gabi sa FIBA Asia Cup dito.
Hataw din ng 11 rebound ang dating FEU Tamaraw star para sandigan ang Gilas sa unang panalo sa apat na laro. Natalo ang Gilas sa Group B preliminary sa Indian at Chinese Taipei, gayundin sa China sa sumunod na round.
Tangan ang bentahe sa laki at lakas, nagapi ng Chinese ang Gilas, 75-65.
Nanguna sa China na si Jinqiu Hu sa 10-2 run ng Chinese tuluyang nagdikdik sa Gilas matapos maghabol sa 53-67 sa third period.