Gumulong na kahapon ang imbestigasyon ng Senate Ethics Committee kaugnay ng reklamo laban kay Senator Leila de Lima, hinggil sa pagtanggap umano nito ng drug money noong nakaraang halalan.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, chairman ng komite, ipagpapatuloy ang pagdinig sa susunod na Huwebes upang bigyang daan naman ang pag-aaral sa dagdag na reklamo ni Atty. Abelardo de Jesus.
Unang sisilipin ang hurisdiksyon at ‘form and substance’ sa reklamo ni De Jesus.
Aminado si De Jesus na ang reklamo niya hinggil sa umano’y koneksyon ni De Lima sa droga ay batay na rin sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman nababahala si De Lima sa reklamo, katunayan ay dumalo pa ito sa budget hearing. (Leonel M. Abasola)