janella-at-elmo-copy-copy

SA Friday na ang pagtatapos ng Born For You na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador. Umaasa ang magka-love team na masusundan pa ng panibagong project ang serye nila.

“Yeah, because ‘yun nga nasasayangan ako sa na-build namin na rapport,” sabi ni Elmo nang makausap namin sa set visit sa Benpress Building sa Ortigas Commercial Center. “I just really feel comfortable [with Janella].”

“Definitely naman, yes, I would love to work with Elmo again,” ganti naman ni Janella.

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

Pero tanggap nila ang posibilidad na baka paghiwalayin sila sa next projects at ipareha sila sa ibang stars.

“Siyempre because the industry is big,” ani Elmo. “’Tsaka parehas pa kami sobrang bata pa namin, you know, it’s inevitable na mangyari ‘yun.”

“That’s what really happens naman,” salo ni Janella. “I hope lang na if ever magkasama kami ulit ‘yun talagang nag-grow na kami lalo ni Elmo.”

Ani Elmo, marami siyang natutuhan sa pagpo-portray ng kanyang karakter na si Kevin sa Born For You.

“’Yung pagiging sobrang talagang naka-connect ka sa character mo, hindi lang sa character mo pero sa lahat ng characters sa show even kay Sam (Janella’s character), talagang connected si Kevin. ‘Yun talaga ‘yung natutunan ko sa Born For You.”

Natuto naman si Janella sa kanyang role as Sam na makakapapaghintay ang pag-ibig. Naniniwala siya sa red strings of fate.

“Siguro ang biggest struggle ni Sam sobrang laki ng pangarap niya. Siyempre ‘yung struggle niya ‘pag dumating na ang pag-ibig niya, paano niya iba-balance. When you have a dream, you have to work for it, ‘yung pag-ibig darating rin naman ‘yan, kailangan lang lagi mong gagawin kung ano ang tama at kailangan mo lang gawin ‘yung tama para sa’yo,” paliwanag ng young actress.

Ayon kay Elmo, hindi dapat palampasin ng mga sumusubaybay sa serye nila ang ending ng show. 

“Since nakita n’yo naman na Dreamscape really likes to end things with a bang, hopefully gano’n din ang mangyayari sa amin this Friday sa Kia Theater. Lalagyan ng twist ang Born For You na hindi lang siya magiging traditional concert.”

So, live ang ending ng BFY at magaganap ito sa Kia Theater sa pagtatapos ng serye sa Biyernes. Tiyak na susugod ang ElNella fans sa Kia Theater! Kita-kits! (ADOR SALUTA)