Isang dating alkalde sa Davao Oriental ang kinasuhan sa Sandiganbayan dahil sa hindi pagsumite ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Si dating Lupon mayor Arfran Quiñones ay kinasuhan ng 3 counts ng paglabag sa Section 8(a) ng Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees).

“The concerned provision mandates all public officials to file their SALNs under oath within 30 days after assumption of office or on or before April 30 of every year thereafter,” saad sa asunto.

Nag-ugat ang kaso nang matuklasan ng Office of the Ombudsman na nabigo si Quiñones na magsumite ng kanyang SALN mula 2007-2009 nang siya ay maging ex-officio member ng Sangguniang Bayan ng Lupon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa sa anti-graft agency, nabigo rin ang alkalde na kontrahin ang pahayag ng Human Resource Management Office (HRMO) sa bayan na hindi naitala sa kanila ang SALN ni Quinoñes. (Rommel P. Tabbad)