Nabalot sa takot ang mga estudyante at guro ng dalawang paaralan sa Las Piñas City matapos bulabugin ng bomb threat, kahapon ng umaga.

Sa ulat na natanggap ni Las Piñas City Police chief Sr. Supt. Jemar D. Modequillo, dakong 6:14 ng umaga nakatanggap ang ilang guro ng text message na nagsasabing may nakatanim na bomba sa Vergonville Elementary School, sa Vergonville Subdivision, Barangay Pulang Lupa Dos.

Agad nilang ipinabatid sa barangay ang insidente na ipinaalam naman sa awtoridad.

Maingat na pinalikas ang mga mag-aaral sa naturang paaralan sa ligtas na lugar at maging ang katabi nitong paaralan, Las Piñas North National High School, ay pansamantalang nagsuspinde ng klase.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Maagap na rumesponde ang mga tauhan ng Explosive Ordinance Division (EOD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) at sinuyod ang buong paligid ng dalawang paaralan at walang nakitang bomba. (Bella Gamotea)